likidong ginto

follows any mold – for now

Posts Tagged ‘election’

On the UPD USC Elections ‘08

Posted by liquidgold on March 5, 2008

This year’s university-wide election had a 45.91% turnout, with 10,168 out of 22,148 enrolled students casting their votes…

www.tinigngplaridel.net

Anong klaseng turnout iyan? Ni hindi man lang umabot sa 50%.

Kahit di natin isali ang mga post graduate students, dapat lumagpas man lang yan sa kalahati ng total population ng mga enrolled students dito sa Diliman.

Kung hindi man nila gusto ang mga kandidato, dapat ay nag-abstain na lang sila sa balota. Kahit sa ganoong paraan, dapat nilang ipakita ang kanilang sentimiento. Nagmumukha tuloy walang pakialam ang mga estudyante ng UP Diliman.

CMC-SC ELECTION RESULTS

Chairperson: Santos (STAND-UP)

Vice Chairperson: Mangilit (STAND-UP)

Secretary: Uichangco (STAND-UP)

Treasurer: Banta (STAND-UP)

CMC Rep: Miguel (STAND-UP)

Dept. Representatives

Broad: Su and Longjas (ISA)

Film: Soliongco and Lee (ISA)

Journ: Eligio and Remillano (STAND-UP)

CRES: Magadia (ISA) and Galvez (STAND-UP)

Maraming baguhan ang mga tumakbong kandidato dito sa Mass Comm. Yung iba ngayon ko lang narinig ang pangalan. Yung iba naman ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko sa kolehiyong yan. Yung iba naman di ko inasahang tatakbo dahil parang happy galore lang ang life nila sa CMC.

Well, dahil STAND-UP-dominated ngayon ang local student council, ayos na rin sa akin. Magaling kasi sila sa pag-iingay tungkol sa mga mahahalagang isyung napapanahon. At kapag mas maingay, mas maraming makakarinig at sana, mas maraming makakaalam at makakaintindi.

Yun naman para sa kin ang foremost na dapat magawa ng isang estudyante ng pangmadlang komunikasyon – ang makaalam at makaintindi.

Posted in UP | Tagged: , , , | 2 Comments »